Thursday, May 28, 2009

Spring cleaning?

Nasaniban ata ako ngayong araw: linigpit ko ang study table kong di ko na ginagamit, inilabas ito ng kwarto, at saka (meron pa!) ni-reformat ang laptop na ito. (Bakit? Medyo bumabagal na kasi, at gusto kong magsimula ulit nang malinis.)

Medyo nagsasawa na ata ako sa puro gising-kain-Internet/laro-kain-tulog. Nagsisimula na rin akong magbasa para sa trabaho. Sa palagay ko rin ay itutuloy ko pa ang paglilinis ng kwarto, at pati na rin ng computer - aayusin ang mga files at folders, gagawa ng sistema para sa paggawa ng backups, aayusin ang impormasyon ng mga digital music files, atbp.

Medyo kakaiba pa rin para sa akin ang pananagalog, kahit na ilang linggo na rin akong nagpupumilit mag-Tagalog lang sa Plurk.

Sige, patapos na ata mag-defragment ang OS partition ko. Ibabackup ko na muna, para sa susunod mas mabilis i-restore.

No comments:

Post a Comment